Hinimok ni Camarines Sur Representative Lray Villafuerte ang kinauukulang ahensya ng gobyerno at public telecommunications entities o PTEs na mag “step-up” sa kanilang registration drive.
Ito ang panawagan ni Villafuerte ngayong tatlong linggo na lamang ay deadline na para iparehistro ang mga sim cards.
Ayon sa mambabatas, nasa 100 milyon pa na sim cards ang unregistered hanggang sa ngayon.
Aniya, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station, 45% ng mga respondents ang nagsasabi na hindi nila alam ang ukol sa mandatory sim card registration.
Kaya aniya, posible na marami pa rin na mga sim card owners ang hindi pa o wala pang alam sa bagong batas.
Nakatakda hanggang April 27 ang deadline ng Sim Card Registration at kapag nabigong makasunod ay awtomatikong made-deactivate ang mga unregistered numbers. | ulat ni Melany Valdoz Reyes