‘Simulator’, posibleng gamitin sa pagtuturo sa TESDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipagpulong na ang Technical Education and Skills Development Authority para mas mapaghusay ang pagtuturo sa TESDA.

Sa Manila Skills Experts’ Meeting na pinangunahan ng TESDA sa Makati City ipinakita ng developers ang Extended Reality (XR) Technology.

Ang (XR) technology ay isang simulator kung saan nagagaya ng computer ang aktwal na ginawa ng gumagamit nito at lumalabas sa monitor ng TV.

Ayon kay Eric Soliman ng Hytec Power Inc. bukod sa apat na beses na mas epektibo sa pagtuturo ay mas ligtas din ang mga simulator para sa sa mga estudyante.

Tulad sa Wiring at Welding, iwas aksidente kung sa simulator magkamali ang estustyante.

Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, dahil sa maganda ang nasabing teknolohiya, malaki ang tiyansa na gamitin ito sa pagtuturo sa TESDA. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us