Sitwasyon ng OFWs sa Taiwan, masinsinang tinututukan ng DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA ang seguridad gayundin ang kapakanan ng mga Pilipino kabilang na ang mga migrante sa Taiwan.

Ito ang pahayag ng DFA kasunod ng masinsing pagbabantay nito sa kasalukuyang sitwasyon sa Taiwan kasunod ng umiinit na tensyon sa Taiwan Strait.

Sa kalatas, sinabi ni DFA Spokesperson, Amb. Teresita Daza na nakalatag na ang kanilang mga plano sa sandaling lumala pa ang tensyon.

Nauna nang nagpalabas ng pahayag ang Pilipinas na hindi ito manghihimasok sa usapin sa pagitan ng China at Taiwan gayundin ang paggalang ng bansa sa One China Policy.

Magugunitang inihayag kamakailan ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na dapat dumistansya ang Pilipinas sa sigalot sa pagitan ng Taiwan at China kung tunay na may malasakit ito sa 150 libong OFW sa nabanggit na lugar. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us