Sitwasyon ng trapiko sa NLEX, normal pa ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Normal pa ang daloy ng mga sasakyanl sa North Luzon Expressway ngayong Miyerkules Santo ng umaga.

Sa bahagi ng Balintawak Toll Plaza, nagkakaroon lang ng pila ng mga sasakyan sa cash lanes pero tuloy-tuloy naman sa RFID lanes.

Kapansin-pansin na ilan sa mga bumibiyaheng pribadong sasakyan ay may bitbit na mga gamit pangbakasyon gaya ng tent, water coolers, at duyan. Mayroon ding mga pami-pamilya ang nagrenta ng jeep.

Inaasahan naman ng pamunuan ng NLEX na simula mamayang tanghali pa bibigat ang trapiko sa expressway hanggang sa Huwebes Santo ng umaga.

Gaya ng nakagawian, handa ang pamunuan ng NLEX na magdagdag ng collection points para mapabilis ang biyahe ng mga motorista.

Bukod dito, nauna na ring nagdagdag ng mga toll teller at patrol crew ang NLEX upang makatugon sa bugso ng mga bibiyahe palabas at papasok ng Metro Manila.

Mayroon ding libreng towing service sa pinakamalapit na exit sa Class 1 vehicles mula ngayong April 5, 6:00 a.m. hanggang April 11 ng 6:00 a.m. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us