Matapos kumpirmahin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagdalo nito sa imbestigasyon ng senado hinggil sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Degamo ngayong araw ay inaasahang maraming ibabahagi ang kalihim partikular sa estado ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay kay Degamo.
Paliwanag ni Remulla, sigurado siya na may mga katanungan ang mga senador na nais nilang malaman gayundin ang mga hakbang na kanilang ginagawa sa nasabing kaso.
Una nang sinabi ng DOJ na itinuturing nilang isa sa mga mastermind ng pamamaril si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves.
Sa ngayon, wala pang ibinibigay na detalye ang kampo ni Teves kung uuwi ang mambabatas sa Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco