SP Zubiri, ikinatuwa ang mataas na net satisfaction rating na nakuha ng Senado sa survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na nagsasabing ang Senado ang nakatanggap ng pinakamataas na net satisfaction rating sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa fourth quarter 2022 SWS survey na ginawa mula December 10 to 14, 2022, nakakuha ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso ng ‘Very Good’ rating na positive 68.

Katumbas ito ng 75 percent ng mga respondent na nagsabing kuntento sila sa performance ng Senado.

Ayon kay Zubiri, nakakataba ng puso ang resulta ng survey na ito.

Magsisilbi aniya itong inspirasyon sa Senado na doblehin ang trabaho nito para sa bayan.

Iginiit rin ng Senate leader na patuloy na pinagsisikapan ng Senado na panindigan ang kanilang tungkulin at nakakatuwang malaman na nakukuha nila ang tiwala ng taumbayan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us