Kumpiyansa ang binuong Special Task Force Degamo na gugulong na sa Korte ang mga kasong kanilang ikinakasa laban sa mga sangkot at utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.I
to ang inihayag ni Special Task Force Degamo Chairperson at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw.
Sinabi ni Abalos, na batay sa salaysay ng mga nahuli nang suspek na nagtuturo sa naarestong mastermind na si Marvin Miranda gayundin kay Representative Arnulfo Teves Jr. maging ang mga nakalap nilang ebidensya, tiyak na titindig ang mga ito sa korte.
Pero ipinaliwanag ni Abalos, na kailangan nilang maging maingat upang hindi malaglag sa korte ang kaso o di kaya ay maisailalim sa teknikalidad.
Gayunman, sinabi ni Abalos, na bagaman may matibay na silang impormasyon na magdiriin sa mga nauna nang itinurong utak sa krimen, tiwala siyang may mga pangalan pang lulutang sa hinaharap. | ulat ni Jaymark Dagala