SRP sa asukal at paglalagay ng suplay sa Kadiwa stores, tututukan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Azcona ang mga prayoridad na kanyang tututukan sa unang bahagi ng panunungkulan sa ahensya.

Sinabi ni Azcona, na una niyang gagawin ang disposal sa mga confiscated na smuggled sugar.

Kabilang dito ay ang pagbebenta ng mga nakumpiskang asukal sa mga Kadiwa store.

Dagdag pa ni Azcona, tututukan din niya ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) sa asukal.

Sa ngayon, nasa Php110 pa rin ang bentahan ng kada kilo ng asukal sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ito ay sa kabila na lumalabas sa kaniyang konsultasyon sa stakeholders sa sugar industry na dapat ay nasa  Php80 kada kilo ang iiral na presyuhan ng asukal.

Pupulungin din ni Azcona ang mga opisyal at tauhan ng SRA, upang makapaglatag ng mga polisiya at mga programa para matulungan ang sugar farmers sa magiging epekto ng nagbabadyang El Niño. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us