Plano ng Social Security System (SSS) na maglagay ng mga solar panel sa mga opisina nito.
Sinabi ni SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, na makakatulong umano ito sa ahensya para makatipid sa gastusin sa kuryente at maisulong ang paggamit ng renewable energy.
Target ng SSS na ipatupad ang pilot implementation ng proyekto sa Main Office nito sa Quezon City, kung saan 445 solar panels na may pinagsamang kapasidad na 200 kilowatt-peak (kWp) ang ilalagay.
Pinag-iisipan din ng SSS ang paglalagay ng mga solar panel sa mga sangay ng SSS sa buong bansa.
Ang proyektong ito ay bilang tugon sa Executive Order No. 14 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nag-apruba at nagpatibay ng Philippine Development Plan para sa 2023-2028. | ulat ni Rey Ferrer