Binigyan ng medikal na atensyon ng mga tropa ng 57th Infantry Battalion ang isang sugatang New People’s Army (NPA), kasunod ng engkwentro kahapon sa South Upi, Maguindanao del Sur.
Ang sugatang NPA ay iniwan ng kanyang mga kasamahan na nagsitakas kasunod ng mabilis na engkwentro sa mga sundalo.
Narekober ng mga tropa sa encounter site ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang caliber .45 pistol, at samu’t saring mga bala.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Colonel Jorry Baclor, bilang na ang araw ng NPA dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng “whole of nation approach” sa pagwawakas ng armadong pakikibaka. | ulat ni Leo Sarne