Tiniyak ng National Irrigation Administration na may sapat na suplay ng tubig pang-irigasyon sa mga sakahan.
Ito ang ipinahayag ni NIA Acting Administrator Engr. Eddie Guillen sa pulong ng Inter agency task force kung saan napag-usapan at nailatag ang mga plano kasunod ng inaasahang epekto ng El Niño.
Ayon sa NIA, nagsimula na ang kanilang imbentaryo sa mga sakahang maaring tamaan ng El Niño lalo na sa mga malalayo sa ilog na nakikitang kukulangin ang patubig.
Ang mga ito ang magiging prayoridad ng mga gagawing interbensyon ng NIA.
Para sa panahon ng pagtatanim nitong April 2023, abot sa
24,672.78 hectares sa Mindanao Regions ang sumailalim na sa land soaking at land preparation.
Umaasa naman ang NIA na malalampasan nito ang target ng mga mapapadaluyan ng tubig ngayong planting season.
Mayroon namang 1,212,417.13 hectares na sakahan ang kinakailangang masuplayan ng tubig irigasyon para sa unang bahagi ng Agosto 2023 at sa Abril 2024. | ulat ni Rey Ferrer