“Swimming” pinasasama bilang subject sa K-12 curriculum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasasama ng isang mambabatas sa K-12 Curriculum bilang subject o aralin ang swimming.

Paliwanag ni Probinsyano Ako Party-list Representative Rudys Caesar Fariñas, pangunahing layunin ng kaniyang House Bill 7476 o “Drowning Prevention Act,” na mabawasan ang mga insidente ng pagkalunod na nauuwi sa pagkamatay sa tuwing mayroong “natural calamities” o “recreation aquatic activities.”

Oras na maisabatas na, magkatuwang ang Department of Education (DepEd) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa paglalatag ng panuntunan sa kung anong grade o baitang maaaring ituro ang paglangoy.

Kabilang naman sa swimming lessons ang water safety at safe rescue skills.

Aatasan din ang NDRRMC na bumuo ng isang Drowning Prevention Plan, na magiging gabay ng pribado at pampublikong paaralang elementarya at sekondarya; mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para sa pagbuo ng kani-kanilang mga programa at proyekto, upang mapababa ang bilang ng insidente ng pagkalunod.

Salig naman sa naturang plano, ang mga lokal na pamahalaan ay tutukuyin ang mga lugar na mayroong “risk” o may panganib ng pagkalunod gayundin ang pagdaraos ng training at first aid at basic life support o seminar ukol sa drowning prevention. | ulat ni Kathleen Forbes

Photo: BCDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us