Muling binuhay ng Department of Agriculture (DA) ang inter-agency task force na siyang tututok para maibsan ang epekto ng matinding tagtuyot.
Alinsunod na rin ito sa kautusang administratibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nag aatas sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na maglatag ng overall plan para baguhin ang mga pamamaraan sa pagkuha ng water supply.
Plano ng pamahalaan na isalba ang mga bulnerableng lugar sa pamamagitan ng wastong water management, habang ang mga irrecoverable area ay isasailalim sa rehabilitation.
Ilan sa mga water-related infrastructure na pinapatutukan ng Pangulo ay ang pagkakaroon ng hydroelectric power plants, mga flood control projects, at irrigation systems.
Batay sa pagtaya ng PAGASA Weather Bureau, magsisimulang maramdaman ang El Niño mula July hanggang September at magtatagal hanggang 2024.
Nasa 16 na probinsya sa Central Visayas (Region VII), Eastern Visayas (Region VIII), Zamboanga Peninsula (Region IX), CARAGA Administrative Region (Region XIII), at CALABARZON (Region IV-A ang direktang maapektuhan ng El Niño. | ulat ni Rey Ferrer