Telcos, dapat gawing user-friendly ang SIM registration — mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senador Jinggoy Estrada na sa susunod na 90 araw ng extended period ng SIM registration ay magpapatupad ang telecommunications companies (telcos) ng mga hakbang para maging user-friendly ang proseso.

Base kasi aniya sa nakalap nilang impormasyon, nahihirapan ang mga subscriber sa proseso ng SIM registration habang ang iba naman ay nagrereklamo sa kawalan ng internet connection o pagiging inaccessible ng registration sites na nagiging balakid sa kanilang pagpaparehistro.

Sinabi ni Estrada na kahit anong information dissemination ay hindi uubra kung ang mga mobile carrier naman ay hindi sosolusyunan ang hinaing ng publiko.

Oras na matugunan ito, umaasa ang senador na makakamit sa susunod na 90 days ang 100 percent target registration.

Binigyang diin din ng senador ang layunin ng SIM registration law na masugpo ang mga krimen na gumagamit ng SMS technology at matulungan ang law enforcers na mahuli ang mga kriminal na ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us