Nakatakdang lumahok ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa gaganaping Labor Day celebration, para sa paghahatid ng TechVoc courses ng ahensya.
Ayon kay TESDA Director General Danilo P. Cruz, layon ng naturang paglahok ng ahensya sa labor day na maipabatid na bukod sa mga trabahong alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay may alok ring vocational courses, na magpapaangat ng antas ng kanilang kakayahan para magkaroon ng mas magandang trabaho sa hinaharap.
Dagdag pa ni Cruz, na bukod sa National Capital Region (NCR) ay inatasan din nito ang regional offices ng TESDA na lumahok sa nationwide Labor day celebration ng national government. | ulat ni AJ Ignacio