Trak na may dalang relief goods, naaksidente sa Maragusan, Davao de Oro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na dinala sa Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan ng Maragusan ang 10 sakay kabilang na ang driver ng isang trak matapos itong matumba sa Purok Managhiusa, Barangay Tandik, Maragusan, Davao de Oro.

Sa impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ng driver na si Adrian Buhat, 50 anyos, ang mga personahe ng PDRRMO at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at iba pang volunteers upang magsagawa ng relief operation para sa mga biktima ng lindol sa nasabing munisipalidad.

Ayon sa driver, natumba ang minamaneho nitong trak matapos madaanan ang bitak sa gilid ng lupa na binabaybay nito.

Samantala, nawalan rin ng kontrol ang trak na rumesponde upang kunin ang relief goods mula sa unang natumbang trak.

Nagtamo rin ng minor injury ang driver nito na nirespondehan ng PDRRMO na nakasunod sa nasabing sasakyan.

Dahil dito, muling nagpaalala ang PDRRMO sa mga motorista na i-check ng mabuti ang mga sakyanan bago bumiyahe upang maiwasan ang anumang aksidente sa daan. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us