Nanawagan sa Kongreso ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na suportahan ang Wage Recovery Act of 2023.
Layon nito, na isabatas ang hirit na across-the-board wage recovery increase na Php150 kada araw sa buong bansa.
Naniniwala ang TUCP, na lubha nang kinakailangang magkaroon ng ganitong batas sa harap ng matinding kagutuman na nararanasan sa buong bansa.
Ayon sa TUCP, hindi na makapag-antay ang sektor ng mga manggagawa sa pag-aksyon ng regional wage para rito sa taas-sahod.
Ayon sa grupo, sa kabila ng patuloy na tinatapyas ng inflation rate ang halaga ng sweldo, nagbibingi-bingihan lang ang mga kinauukulan sa sitwasyon ng labor sector.
Giit ng TUCP, matinding kagutuman ang nararanasan ngayon na epekto ng COVID-19 pandemic, ang Russian invasion sa Ukraine, at ang epekto ng climate change sa sektor ng agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer