Ugnayan ng Pilipinas at US lalo pang lalalim sa ilalim ng Marcos Jr. at Biden administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lalo pang lumalalim at tumitibay ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng Marcos Jr. at Biden administration.

Ito ang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez matapos ang magkakasunod na pulong nito kasama ang ilang US Representatives.

Kabilang sa nakaharap ni Romualdez at ng Philippine House of Representatives delegation si US House Majority Leader Steve Scalise.

Ani Romualdez, welcome para sa kaniya ang mainit na pagtanggap ng US House Majority leader gayundin ang kaniyang commitment na paigtingin pa ang relasyon ng dalawang bansa sa lahat ng aspeto.

“This solidifies the good working relationship between President Marcos and President Biden. Rest assured that legislators from both sides of the fence will follow through with the necessary work so that the benefits of this dynamic relationship would become more tangible tenfold,” ani Romualdez.

Maliban kay Scalise ay nakapulong din ng PH delegation sina US Rep. Darrell Issa, Ami Bera, Mike Rogers (Chairperson of House Armed Services Committee), Christian Stewart; at Utah Atty. Gen. Sean David Reyes, na isang Filipino-American.

Sa naturang mga pag-uusap ay nagkasundo ang US at Philippine officials, na patuloy na pagtibayin ang economic cooperation, defense at security engagements, at bilateral strategic dialogue ng dalawang bansa.

Muli ring hinimok ng mga opisyal ang Estados Unidos na mamuhunan sa Pilipinas.

“With our strong economy, we invited the US to increase and expand its investments. Just recently I was with the economic team of President Marcos to help generate more investments during the 2023 World Bank Group-International Monetary Fund (WBG-IMF) Spring Meetings. Now the congressional delegation of the House leadership is engaging their counterparts in the US Congress. We are working all out with our strong message to come to the Philippines and invest there,” dagdag ng House leader.

Bahagi ng Philippine delegation sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco, Agusan del Norte 1st District, Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” del Gallego Romualdez, House Secretary General Reginald Velasco, at House Sergeant-at-Arms PMGEN Napoleon Taas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us