Bilang pagkilala sa serbisyo at kontribusyon sa bayan ng mga line worker, ay pinagtibay ng Kamara ang House Bill 7426.
Sa ilalim nito ay idedeklara ang unang Lunes ng Agosto ng kada taon bilang Line Workers Appreciation Day.
Inaatasan ang National Electrification Administration (NEA) na pangunahan ang pagdaraos ng national convention bilang bahagi ng programa para sa naturang pagdiriwang.
Ang Department of Energy kasama ang mga private distribution utility, power transmission companies, at telecommunication companies ay pinagdaraos ng trainings, seminars, at learning sessions para sa line workers.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, nararapat lamang na kilalanin ang malaking papel ng line workers sa rural development sa pamamagitan ng pagpapailaw sa countryside o kanayunan.
“Without our hardworking electric line workers, economic growth and development will not be possible. This legislation is a simple way to show our appreciation to our line workers who tirelessly serve us so that our country will enjoy a reliable supply of electricity wherever we are,” saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes