Positibo si Deputy Speaker Ralph Recto sa magiging impact ng New Agrarian Emancipation Act oras na malagdaan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ganap na maging batas.
Bago tuluyang mag-adjourn ng Kongreso ay niratipikahan ng Senado at Kamara ang naturang panukala na magpapalaya sa 610,054 na magsasaka na benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) mula sa kanilang pagkakautang.
Aabot sa ₱57.5-billion na pagkakautang ang buburahin mula sa isang milyong ektarya ng agrarian reform lands.
Pagbibigay-diin ni Recto na isa sa mga pangunahing naghain ng panukala, kung inaabswelto ng pamahalaan sa pagkakautang ang ilang bangko at negosyo na pagmamay-ari ng mga bilyonaryo ay mas lalong dapat tulungan ang mga maliliit na magsasaka.
“On a per hectare basis, the average debt to be forgiven is ₱49,000. That is a fraction of the current selling price of less than a square meter of a condominium in Metro Manila. We have bailed out banks and companies owned by billionaires. We have allowed power sector obligations to migrate as national debts. If we have pursued a debt forgiveness strategy for many troubled companies, why not one for poor farmers,” diin ni Recto.
Sa pagsalo naman ng pamahalaan sa balanse ng utang sa ilalim ng voluntary land transfer at direct payment scheme ng ARB, inaasahan na 10,201 na benepisyaryo ang makikinabang kung saan ₱206.24-billion ang babayaran ng pamahalaan sa landowners. | ulat ni Kathleen Jean Forbes