Valenzuela LGU, nagsagawa ng basic sign language training sa pamilya ng mga residenteng deaf at community advocates sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pakikipagtulungan sa National Vocational and Rehabilitation Center (NVRC) ay nagsagawa ng three-day Basic Sign Language Training ang Valenzuela Local Government para sa pamilya ng mga residenteng deaf at gayundin ng Deaf Community Advocates

Nasa 30 indibidwal ang nakibahagi sa naturang training na isinagawa sa Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE)

Layon nitong mapabuti ang kanilang communication skills sa kanilang kaanak na may kapansanan at sa buong deaf community.

Ayon kay Valenzuela City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Officer-in-Charge, Ms. Snooky Cortez, hangad rin ng naturang seminar na palawakin ang kaalaman ng publiko sa deaf community at maisulong ang inclusivity sa lungsod.

Sasalang naman sa susunod na Basic Sign Language Training ang ibat ibang frontliner sa lungsod kabilang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa April 24-25.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us