VP Sara Duterte, mainit na tinanggap ng mga Capiznon sa selebrasyon ng Capiztahan 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mainit na tinanggap ng mga Capiznon sa Vice President Sara Z. Duterte sa pagdiriwang ng Capiztahan 2023.

Si Vice President Duterte ay malugod na tinanggap nina Capiz Governor Fredenil Castro, Congresswoman Inday Baby Jane Castro, mga lokal na opisyales ng Capiz at ng mga taga-Capiz.

Panauhing pandangal ang opisyal sa Capiztahan 2023, ang pagdiriwang ng probinsya ng kanilang 122nd founding anniversary.

Sa pagdiriwang ng probinsya, isang wreath laying ceremony ang isinagawa bilang pagpupugay kay dating Pangulong Manuel Roxas sa kanyang 75th death anniversary kung saan dinaluhan rin ng Bise Presidente kasama sina Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, dating DILG Secretary Mar Roxas at mga opisyal ng probinsya ang nasabing aktibidad.

Bukod sa wreath laying ceremony, dadalo rin si Duterte ngayong hapon sa highlights ng selebrasyon.

Ito ang Maragtas sang Capisnon Cultural Show kung saan masasaksihan ang iba’t ibang cultural parades, floats at performances.

Ikinagagalak ng mga taga Capiz na maging panauhing pandangal ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us