Water Trust Fund, pinasasama sa bubuuing Department of Water Resources

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng pagsusulong sa agarang pagpasa ng panukalang bubuo sa Department of Water Resources (DWR), pinatitiyak din ni Davao City Representative Paolo Duterte na maipaloob sa probisyon ang pagkakaroon ng Water Trust Fund.

Sa ilalim ng House Bill 3727, o bersyon ng DWR na inihain ni Duterte at Benguet Rep. Eric Yap ay magkakaroon ng isang Water Trust Fund na mapapasailalim sa Bureau of Treasury.

Ang naturang trust fund ay maaaring magmula sa mga revenue o kita sa water management, raw water pricing, permit fees, registration fees, supervision and regulation enforcement fees, filing fees, testing fees at iba pang serbisyo na may kinalaman sa paggamit ng water resources.

Ang pondo naman na ito ay ekslusibong mapupunta sa DWR para gamitin sa iba’t ibang water sustainability projects, water development, water sanitation at waste water treatment and management.

Maglalaan din ng maximum 10 percent ng kabuuang kita mula sa raw water extraction, sa local government o indigenous people community na sumasakop sa lupain kung saan nakuha ang raw water. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us