Kinuwestiyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pamamaraan ng pagtatanong ng Pulse Asia sa isinagawa nitong survey patungkol sa Mandatory ROTC.
Ayon sa kinatawan, hindi aniya maayos ang pagkakalatag ng tanong sa survey.
Batay kasi aniya sa survey question, kung “no” ang isasagot ng respondent ay lalabas ito na anti-discipline at unpatriotic.
Bukod dito, hindi rin aniya nagkaroon ng tamang representasyon ang mga mag-aaral, partikular sa incoming college students na siyang pangunahing maaapektuhan ng naturang programa.
Paalala ng kinatawan, na mahalaga ang tamang statistics upang magabayan ang policymakers sa mga ipatutupad na lehislasyon.
Sa naturang Pulse Asia survey, 8 sa 10 Pilipino ang sumang-ayon sa pagbabalik ng Mandatory ROTC sa lahat ng college students. | ulat ni Kathleen Forbes