10 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng higit 40°C heat index — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang aasahan ng publiko ngayong araw ayon sa PAGASA.

Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng higit sa 40°C pa rin ang heat index o alinsangan sa katawan na maramdaman sa 10 lugar sa bansa ngayong Lunes, May 8.

Posibleng pumalo hanggang sa 44°C ang heat index sa Dipolog sa Zamboanga del Norte habang 42°C rin ang heat index na posibleng maitala sa Science Garden sa Quezon City.

Mataas na heat index rin ang inaasahan sa Tuguegarao, Cagayan; Iba, Zambales; Infanta, Quezon; Daet, Camarines Norte; Legazpi City, Albay; Masbate City; Roxas City, Capiz; at Zamboanga City.

Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.

Dahil dito, paalala ng PAGASA sa publiko, hanggat maaari ay manatili na lang sa loob ng bahay.

Kung hindi naman maiiwasan ang paglabas ay dapat parating uminom ng tubig para manatiling hydrated. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us