10 wage increase petitions, nirerebyu na ng wage boards

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabinbin ngayon ang 10 wage hike petition at sinusuri ng iba’t ibang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang wage hike petitions ay karamihang hinihirit ang across-the-board increase na nakabinbin pa sa RTWPBs sa National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas.

Giit ng kalihim, pinoproseso na ang mga petisyon at sinusuri ng wage boards at inaasahang uusad nang mahusay upang magkaroon na ng pagpapalabas ng karampatang wage order ang iba’t ibang regional wages at productivity boards.

Samantala, nanguna ang DOLE sa payout ng assistance o sahod sa mga benispisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, Special Program for Employment of Students (SPES), at Government Internship Program (GIP) sa buong bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us