15 OFWs, nakabalik na sa bansa mula sa Cairo, Egypt

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakauwi na ang nasa 16 na OFWs mula sa Cairo, Egypt mula sa Sudan dahil sa nangyaring tensyon sa naturang bansa.

Pasado 9:26 nang dumatin sa Ninoy Aquino International Terminal 1 ang flight number SV 870 ng Saudia Airlines mula sa bansang Jedahh.

Sa naturang bilang lima rito ay menor de edad na anak ng ating OFWs doon.

Kasalukuyang nasa holding area pa ang naturang mga OFW para sa programa na matatangap nila mula sa pamahalaan.

Noong Sabado 17 OFW ang una nang nakabalik sa bansa matapos mailikas sa tulong ng pamahalaan

Ang mga naturang OFWs ang makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa DMW, OWWA naman ang maghahatid sa kanila sa mga lalawigan, at DFA ang nagpondo sa kanilang gastos pauwi ng Pilipinas. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us