Nagsimula sa pagsasanay ang 180 bagong recruit ng Philippine Army sa Army Artillery Regiment (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon.
Ang mga recruit na bahagi ng Candidate Soldier Course (CSC) Class 765-2023 ay malugod na tinanggap ni Headquarters and Headquarters Support Group (HHSG) Commander Brig. Gen. Moises M. Nayve Jr.
Sa kanyang mensahe sa opening ceremony ng klase, sinabi ni BGen. Nayve, na ang mga bagong recruit ay mahalagang bahagi ng modernisasyon ng Philippine Army.
Pinasalamatan din ni BGen. Nayve ang mga magulang ng candidate soldiers na ipanagkatiwala nila sa Philippine Army ang kanilang mga anak.
Ang candidate soldiers ay dumaan muna sa serye ng pagsusubok para madetermina ang kanilang pisikal na lakas, kakayahang pangkaisipan, at emosyonal na stabilidad, bago sila sumabak sa pormal na pagsasanay. | ulat ni Leo Sarne
:Army Artillery Regiment