Aabot na sa mahigit PHP 627,116 ang kinita ng 20 Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa Agraryo Merkado Fair sa probinsya ng Masbate.
Ang nasabing agri-fair ay inorganisa ng Department of Agrarian Reform-Bicol (DAR-5) katuwang ang Masbate Provincial Office.
Bahagi ito ng government intervention na matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng karagdagang kita.
Kada linggo ay 20 imbitadong ARBOs ang maaaring magbenta ng kanilang mga produkto sa local tiangge na ito. Alternate itong isinasagawa dahil sa limitadong espasyo.
Ang mga ibinebenta rito ay processed food items, newly harvested farm produce na siguradong bago, ligtas at masustansya.
Ilan sa best sellers ay ang beef tapa, dried squid, dried fish, pork tocino, and pork longanisa.
Mayroon din ditong bigas, poultry at meat products, pati na rin mga prutas, gulay at root crops.
Ang Agraryo Merkado Fair sa Masbate ay patuloy na isasagawa tuwing araw ng Huwebes.| ulat ni Juriz Dela Cruz| RP1 Catanduanes