20% discount sa pagkuha ng driver’s license ng mahihirap na PUV drivers, isinusulong sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng panukalang batas si Davao City Representative Paolo Duterte at dalawa pang mambabatas,  upang bigyan ng 20 percent discount ang mga mahihirap na public utility vehicle (PUV) driver sa pagkuha ng professional driver’s license.

Ang House bill 8070 ay iniakda nila Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap.

Sakop ng 20% discount ang enrollment sa accredited driving schools at iba pa.

Ayon kay Duterte, hamon sa mga mahihirap na PUV drivers ang napakaraming requirements na hinihingi ngayon ng Land Transportation Office (LTO) para mabigyan ng lisensya.

Kabilang dito ang written at practical exams, kailangan rin magsumite ng medical certificate at mga clearance gaya ng NBI, police clearance, at practical lesson mula sa accredited driving school.

Ang lahat ng ito ay nagkakahalaga ng P4,000 hanggang P7,000.

Sa ilalim ng panukala, ang 20 percent discount ay para sa pagkuha ng PSA birth certificate, medical certificate, NBI, Police clearance, enrollment para sa theoretical at practical driving course, exam fee at iba pang government issued documents and fees na ire-require ng LTO. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us