Muling nagsagawa ng pulong balitaan ang MIAA kaugnay sa isasagawang corrective maintenance sa air traffic managament center ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa May 17.
Ayon kay MIAA OIC General Manager Bryan Co, posibleng nasa 20,000 pasahero ang maapektuhan nito o katumbas ng 130 flights.
Higit sa 50% na mga flight na apektado ay mga domestic.
Maiibsan ang epekto ng isasagawang corrective maintenance sa air traffic managament center sa mga pasahero sa tulong ng maagang pagplaplano ng flights.
Sa Biyernes inaasahan maipapasa na ng mga Airline Company ang kanilang plano sa harap na rin ng nakatakdang corrective maintenance ng air traffic management center ng Civil Aviation Authority of the Philippines. | ulat ni Don King Zarate