24 na Pinoy repatriates mula sa Sudan, nakauwi na ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakauwi na sa Pilipinas ang may 24 na Pilipinong nasagip ng pamahalaan matapos sumiklab ang civil war sa bansang Sudan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang mga naturang Pinoy sakay ng Saudia Airlines flight SV862 kaninang mag-aalas-2 ng hapon.

Kinabibilangan ito ng may 19 na Islamic students gayundin ng dalawang overseas Filipino worker (OFW) kasama ang tatlong bata.

Tumanggap ang mga OFW ng Php100,000 financial assistance mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration, nagkaloob din ng psycho-social assessment at referral, medical assessment at referral, care kits, pagkain, toiletries, basic medicines at iba pa

Samantala, inaasahang darating naman mamayang alas-8:45 ng gabi ang may 17 pang OFW na inalalayan ng Migrant Workers Office sa Jeddah lulan ng Saudia Airlines flight SV870 na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us