Patuloy na isusulong ng Department of Transportation (DOTr) na mapalawak ang Active Transport Program, upang mapalakas ang sustainable mobility options ng publiko sa gitna ng pandemya.
Ayon sa DOTr, target nito na maitatag ang mahigit 2,400 kilometers na protected bicycle lanes sa taong 2028.
Mahalagang hakbang anila ito tungo sa mas ligtas at accessible na kalsada para sa mga siklista, pedestrian at personal mobility device users.
Simula noong 2021, umabot na sa 564 kilometers ng bike lanes ang naisakatuparan sa tulong ng Active Transport Project Management Office.
Ngayong Road Safety Month, iginiit ng DOTr ang panawagan para sa responsibilidad at pananagutan sa kalsada habang itinataguyod ang pagtutok sa most vulnerable road users. | ulat ni Hajji Kaamiño