Rebyu at amyenda sa EPIRA, isinusulong ni Senador JV Ejercito

Ipinanawagan ni Senador JV Ejercito ang pag-rebyu at amyenda sa Electric Power Industry Act (EPIRA) dahil sa kabiguan aniya nitong pababain ang singil sa suplay ng kuryente sa bansa. Giit ni Ejercito, ang intensyon ng naturang batas ay itaguyod ang kompetisyon sa power industry na inaasahang magbubunga sa pagpapababa ng presyo ng kuryente sa bansa.… Continue reading Rebyu at amyenda sa EPIRA, isinusulong ni Senador JV Ejercito

Mas mabigat na parusa sa law enforcement personnels na magsisinungaling sa congressional hearing, isinusulong ni Sen. Robin Padilla

Plano ni Senador Robin Padilla na maghain ng isang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa para sa mga magsisinungaling sa mga pagdinig ng kongreso. Ginawa ito ng senador kasunod ng mga pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kung saan ilang mga pulis ang pina-contempt ng senate panel dahil… Continue reading Mas mabigat na parusa sa law enforcement personnels na magsisinungaling sa congressional hearing, isinusulong ni Sen. Robin Padilla

DFA, may paglilinaw hinggil sa sitwasyon ng tripolanteng Pinoy ng lumubog ng Chinese fishing vessel

Itinuturing pa rin ng Department of Foreign Affairs o DFA na “missing o nawawala” ang 5 Pilipino na kabilang sa 39 na tripolante ng Chinese Fishing Vessel na Lu Peng Yuan Yu 028 na lumubog sa karagatang sakop ng Sri Lanka na bahagi ng Indian Ocean. Ayon kay DFA Chief of Mission at Assistant Secretary… Continue reading DFA, may paglilinaw hinggil sa sitwasyon ng tripolanteng Pinoy ng lumubog ng Chinese fishing vessel

Pagkakautang ng DICT sa mga telco, pinababayaran agad ng mga mambabatas

Kagyat na pinababayaran ng mga mambabatas sa DICT ang pagkakautang nito sa tatlong malalaking telecommunication company sa bansa. Sa pagharap ng ahensya sa House Committee on Appropriations, tinukoy ni House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza ang problema sa free wifi project ng ahensya. Aniya, dahil sa may pagkakautang pa ang DICT sa PLDT, Globe… Continue reading Pagkakautang ng DICT sa mga telco, pinababayaran agad ng mga mambabatas

Paniningil ng NGCP sa delayed projects, kinuwestiyon ng mga Senador

Kinastigo ng mga senador ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa paniningil nila sa mga consumer para sa mga hindi pa tapos na proyekto. Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, ibinahagi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta, na sa 348 na aprubadong proyekto ng NGCP 72 ang delayed projects… Continue reading Paniningil ng NGCP sa delayed projects, kinuwestiyon ng mga Senador

Senate President Zubiri, umaasang i-adopt ng Kamara ang Senate version ng Maharlika Investment Fund bill

Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na i-adopt ng Kamara ang ipapasang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Giit ni Zubiri, mas pinaganda ng senador ang bersyon ng panukala kung saan nilagyan na ito ng mga dagdag na safeguard para maiwasan ang posibleng pag-abuso o maling paggamit ng pondo. Dahil sertipikado… Continue reading Senate President Zubiri, umaasang i-adopt ng Kamara ang Senate version ng Maharlika Investment Fund bill

Appropriations Committee Chair ng Kamara, pinakakasuhan ang dating mga opisyal ng DICT

Pinakikilos ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co ang legal division ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na sampahan ng kaso ang mga dating opisyal ng ahensya na sangkot sa paglilipat ng pondo ng free WiFi at government data center. Sa briefing ng DICT sa komite hinggil sa paggamit nila ng kanilang pondo,… Continue reading Appropriations Committee Chair ng Kamara, pinakakasuhan ang dating mga opisyal ng DICT

Pagpapatupad ng electronic Airwaybill at Single Clearance Certificate on Transit Cargoes, pinag-aaralan na ng BOC-NAIA

Nagpulong ang mga opisyal gayundin ang mga kinatawan ng Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC-NAIA) at ang Supply Chain and Logistics Management Division ng Department of Trade and Industry (DTI). Dito, kanilang tinalakay ang posibleng adaptation ng electronic o e-airwaybill, single clearance certificate on transit cargoes at iba pang logistical measures. Ayon kay… Continue reading Pagpapatupad ng electronic Airwaybill at Single Clearance Certificate on Transit Cargoes, pinag-aaralan na ng BOC-NAIA

Special Senate Committee para sa restoration ng Manila Central Post Office, bubuuin

Kinokonsidera ng Senado na bumuo ng isang special committee na magmo-nonitor sa restoration at rehabilitation ng nasunog na Manila Central Post Office. Sa sesyon kahapon, ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang plano niyang maghain ng panukala para sa pagbubuo ng special senate committee sa susunod na linggo. Naghain na rin ng resolusyon si… Continue reading Special Senate Committee para sa restoration ng Manila Central Post Office, bubuuin

Mga paliparan sa hilagang Luzon, pinaghahanda na ng CAAP kasunod ng banta ng bagyong Betty

Kasalukuyan na ring naghahanda ang iba’t ibang paliparan sa hilagang Luzon sa mga posibleng epektong dulot ng paparating na bagyong Betty. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa mga gumagawa na ng ibayong paghahanda ay ang mga paliparan sa Tuguegarao sa Cagayan; Basco at Itbayat sa Batanes, Cauayan at Palanan sa… Continue reading Mga paliparan sa hilagang Luzon, pinaghahanda na ng CAAP kasunod ng banta ng bagyong Betty