29% ng mga Pinoy, bumuti ang kalidad ng buhay — SWS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang 29% ng mga Pilipino na bumuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay kung ikukumpara noong nakalipas na 12 buwan, batay ‘yan sa survey ng Social Weathers Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa mula March 26-29, nasa 25% ang nagsabing lumala ang kondisyon ng kanilang buhay ngayong taon.

Samantala, 46% naman ang nagsabi na walang nagbago o parehas lang ang lagay ng kanilang pamumuhay ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Nagresulta naman ito ang Net Gainers score sa +5 na bahagyang mas mababa lang kumpara sa puntos noong Disyembre ng 2022.

13 puntos rin itong mas mababa kung ikukumpara sa pre-pandemic level na very high o +18 noong fourth quarter ng 2019.

Kaugnay nito, sinabi ng SWS na bumaba ang kabuuang net gainer score sa nakalipas na quarter dahil sa bahagyang pagbaba ng puntos sa Metro Manila at Mindanao. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: SWS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us