3 lanes sa C5 Road sa Pasig City, ipasasara dahil sa sewage project ng Manila Water

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng abiso ang Manila Water na pansamantalang isasara sa mga motorista ang tatlong southbound lanes ng C5 Road kanto ng Lanuza Avenue sa Pasig City.

Ito ay para bigyang-daan ang North Pasig Package 1 Sewer Network Project na magtatagal mula May 9 hanggang August 31.

Hindi muna makakadaan ang mga motorista mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Lalagyan naman ng temporary cover ang mga apektadong daan gaya ng concrete at aspalto para makadaan ang mga sasakyan habang nakatigil ang konstruksyon.

Nakapaskil na ang ilang karatula para ipaalala ang partial road closure.

Pinaalalahanan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta para maiwasan ang construction site. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us