4th batch ng mga Pilipino na na-repatriate mula Sudan, dumating na sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabalik na sa Pilipinas ang 33 na Pinoy na nilikas ng pamahalaan mula Sudan.

Sila ay pawang mga estudyante mula Sudan na lumikas papunta sa Jeddah, Saudi Arabia at dumating NAIA Terminal 1 sakay ng eroplano.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) masaya sila dahil naging ligtas at matagumpay ang paglikas ng mga kababayan natin.

Sila ay sinalubong nina DFA Undersecretary Antonio Morales at Representative Ron Salo ng House Committee on Overseas Workers.

Makakatanggap din sila ng tulong pinansyal.

Samantala, inirekomenda ng pamahalaan ng Pilipinas na ang mga Pilipinong nagnanais na lumikas sa bansa ay tumuloy sa Port Sudan. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us