Malaking porsyento ng mga Pilipino ang aminadong nahihirapang maghanap ng trabaho sa ngayon, ayon ‘yan sa Social Weather Stations.
Sa isinagawang survey ng SWS, lumalabas na 69% ng Filipino adults ang nahihirapang makahanap ng trabaho.
11% naman ang nagsabing madali lang maghanap ng trabaho.
Sa kabila nito, kalahati naman ng mga Pinoy ang nananatiling kumpiyansa na mas marami pang trabaho ang bubuksan sa susunod na 12 buwan.
26% ang naniniwalang walang magiging pagbabago habang may 10% ang nagsabing mas kakaunti ang magiging available na trabaho sa mga susunod na buwan.
Ayon sa SWS, mula pa noong 2009, maliban lang noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ay marami na talagang Pilipino ang positibo sa job availability.
Una nang iniulat ng SWS na mayroong 8.7 milyong Pilipinong walang trabaho sa bansa noong Marso.
Isinagawa ang survey mula March 26-29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas. | ulat ni Merry Ann Bastasa
đź“·:SWS