8 sa 10 Pilipino, naniniwala na nasa tamang direksyon ang pamamahala sa bansa ng administrasyong Marcos ayon sa isang survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 8 sa 10 mga Pilipino ang naniniwala na nasa tamang direksyon ang pamamahala ng Marcos administration sa ating bansa.

Ito ang inihayag ng isang research group na OCTA sa kanilang inilabas na survey.

Ayon sa OCTA Research nasa 76% ng mga Pilipino ang naniniwala na nasa tamang direksyon ang pamumuno ng kasalukuyang administrasyon sa ating bansa habang nasa 10% naman ang hindi naniniwala dito at nasa 13% naman ang naitalang undecided.

Isinagawa ang naturang survey mula March 24 hangang March 28 sa 1,200 adult Filipinos mula sa class A,B at C. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us