Nadagdagan pa ang bilang ng mga actibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.
Sa huling report na inilabas ng Manila City Health Department, nasa 179 ang kasalukuyang active cases matapos itong madagdagan ng 33 bagong nagpositibo.
Sa mga naka-recover o gumaling, naitala ng pamahalaang lungsod ang 33 habang apat ang naitala na mga namatay.
Sa kabuuang bilang, 125,376 ang mga tinamaan ng covid-19 mula nang pumasok ang virus sa Pilipinas.
Sa mga bagong kaso, ang Tondo 1 ang may pinakamaraming active cases na nasa 51, na sinundan ng Sampaloc na may 25, Sta Mesa 18, Sta Cruz 17, Tondo 2 14 at Malate na may 10 kaso. | ulat ni Michael Rogas