Naghatid ng 850 kahon na naglalaman ng 7,395 kilo ng family food packs ang isang C-130 aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) patungong Batanes kahapon, bilang paghahanda sa paparating na super typhoon Betty.
Ang mga relief goods na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ikinarga sa Tuguegarao Airport sa tulong ng mga tauhan ng DSWD Region 2, Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Tactical Operations Group 2.
Una na ring inalerto ng AFP ang lahat ng kanilang search, rescue, and retrieval teams para sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR) operations sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyo.
Sa kabuuan, 7,970 tauhan ng AFP, 4,242 CAFGU Active Auxiliary members, at 180 reservists ang naka-alerto bilang first responders; at 2,518 land transportation assets, 20 air assets, at 265 water assets ang handang i-deploy ng AFP para sa HADR operations. | ulat ni Leo Sarne
📸: AFP PAO