AFP, nakahanda na para sa bagyong Mawar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng kanilang mga search, rescue and retrieval unit sa mga lugar na inaasahang maapektuhan ng paparating na bagyong Mawar.

Sa isang statement, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar, na may atas na ang pamunuan ng AFP sa lahat ng unified commands na siguraduhin ang kahandaan ng kanilang Humanitarian and Disaster Relief (HADR) equipment at assets; at aktibong lumahok sa mga coordinating meeting ng mga kinauukulang ahensya ng gubyerno.

Ayon kay Aguilar, kasalukuyan nang inihahanda ang mga sasakyan at tauhan ng AFP na tutulong sa mandatory na paglilikas ng mga residente sa bulnerableng lugar.

Naka-standby na rin aniya ang Air at Naval assets ng AFP, para i-deploy sa aerial assessment, transport at evacuation kung kakailanganin.

Sa kabuuan 7,970 tauhan ng AFP; 4,242 CAFGU Active Auxiliary members; at 180 reservists ang nakaalerto bilang first responders; at 2,518 land transportation assets, 20 air assets at 265 water assets ang handang i-deploy ng AFP para sa HADR operations. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us