AFP, susuporta sa PNP sa pagbuwag ng Private Armed Groups

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar ang buong suporta ng militar sa Philippine National Police sa pagbuwag ng Private Armed Groups (PAG) sa bansa.

Ito’y para masiguro na magiging mapayapa at maayos ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ayon kay Aguilar, handa silang magdagdag ng pwersa sa mga rehiyon na may presensya ng PAGs kung hihingin ng PNP ang tulong nila.

Kaugnay nito, sinabi ni Aguilar na pinaigting narin ng militar ang kanilang counter-intelligence operations sa pag-monitor ng mga aktibidad ng mga dating sundalo.

May mga pagkakataon kasi aniya na nagagamit ang mga retirado at inalis na mga sundalong may “special skills” bilang mga miyembro ng PAG ng mga maimpluwensyang personalidad. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us