AGRI Party-list solon, umaasang mabilis na mapagtitibay ng Kongreso ang Philippine Salt Industry Devt. Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang isang party-list solon na mabilis na aaksyunan ng Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na layong muling buhayin at palakasin ang industriya ng asin sa bansa.

Ayon kay AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang House Bill 8278 o “Philippine Salt Industry Development Act,” ay inaasahang makakalikha ng 3,000 hanggang 5,000 na trabaho lalo na sa rural areas.

Diin ng kinatawan na panahon na para tuldukan ang matagal nang kalbaryo ng ating salt farmers at salt producers at mahinto na ang pag-asa sa importasyon ng asin.

“Hindi tama na nag-iimport pa tayo ng 93% ng pangangailangan natin sa asin at napag-iiwanan ang ating salt industry, bilang arkipelagong bansa na isa sa may pinakamahabang shoreline sa mundo,” ani Lee.

Isa naman sa probisyong ipinasok ng mambabatas sa panukala ang Salt Industry Development and Competitiveness Enhancement Fund or SIDCEF.

Ang pondong ito ay maihahalintulad sa Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).

Kasalukuyang pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us