Agricultural lands na posibleng nasalanta ng bagyong Betty, higit na sa 309,000 ektarya — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumobo na sa 309,364 ektarya ng standing crops ang nanganganib na maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Betty sa Northern Luzon.

Ito ay batay sa pinagsama-samang datos ng mga rehiyon na madadaanan ng bagyo.

Sa kabuuang bilang, 232,833 ektarya dito ay mga palayan at 76,531 ektarya naman ay taniman ng mais.

Pero, ayon sa Department of Agriculture, hanggang ngayon wala pa silang natatanggap na damage reports sa agri-fisheries sector mula sa local government units.

Samantala, bago manalanta ang bagyong Betty may kabuuang 64,735 ektarya ng palayan ang naisalba sa Cordillera Administrative Region, Regions 1,2,3 at 5 na may equivalent production na 287,826 metric tons na nagkakahalaga ng P4.84 billion.

Habang kabuuang 6,925 ektaraya ng produktong mais ang naisalba mula sa CAR, Regions 1,2,3 at 5 na may equivalent production na 34,954 metric tons at nagkakahalaga ng PhP 709 million. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us