Air Asia, naghahanda na sa mangyayaring maintenance activity ng CAAP sa May 16 at 17

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang pamunuan ng Air Asia Philippines sa kanilang flight scheduling dahil sa nakaambang maintenance activity ng CAAP sa May 16 at 17 sa pagpapalit ng power supply at airway traffic system nito.

Ayon kay Air Asia Deputy Spokesperson Carlo Carongoy, magpapakalat sila ng information dissemination via email text messages at sa social media platforms upang mapaalam sa publiko ang mangyayaring rescheduling ng mga flights hinggil sa maintenance activity ng CAAP.

Dagdag pa ni Carongoy na kahit na mayroong maintenance activity ang CAAP ay kanilang sisiguruhin na isasaayos nila ang rescheduling ng mga flights upang hindi magkaroon aberya sa mga pasahero sa mga nasabing araw. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us