Arraignment ng mga suspek sa Degamo Murder Case, ipinagpaliban ng Manila RTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi itinuloy ng Manila City Regional Trial Court Branch 51 ang pagbasa ng sakdal sa 11 suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo ng Negros Oriental.

Ito ay dahil naghain ng motion ang panig ng prosecution at depensa, na naging dahilan para ipagpaliban ngayong araw ang arraignment.

Hiningi ng prosekusyon na ilipat ang mga suspek sa Manila City Jail at alisin ito sa detention cell ng National Bureau of Investigation (NBI).

Agad naman itong kinontra ng depensa, at sinabing may banta sa buhay ng mga akusado kung kayat hindi dapat ilipat ang mga ito ng kulungan.

Sa panig ng mga abugado ng mga suspek, naghain sila ng motion to quash dahil sa isyu ng illegal arrest at torture.

Sinabi ni Atty. Danny Villanueva, isa sa abugado ng mga akusado, nakaranas umano ng pagsakal sa pamamagitan ng alambre, paglalagay ng basa na towel sa kanilang mga mukha, at pambubugbog mula sa mga NBI agent.

Dahil dito, kapwa binigyan ng korte ang magkabilang panig ng 15 araw para magkomento sa inihain na mga motion.

Muling itinakda ni Judge Merianthe Pacuta Zuraek sa July 19, 2023 ng ala-1:30 ng hapon ang susunod na pagdinig. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us