August 1, pinadedeklarang special working day para gunitain ang Bacoor Assembly

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7986, matapos na 270 mambabatas ang bumoto pabor sa panukala.

Dito idedeklara ang August 1 bilang isang special working holiday, upang ipagdiwang ang Solemn Declaration of Philippine Independence o Bacoor Assembly.

August 1, 1898 kasi nang opisyal na ianunsiyo ang Philippine Independence sa bahagi ng Bacoor, Cavite.

Nilinaw naman ni Cavite Representative Lani Mercado Revilla na sponsor ng panukala, na hindi nito layon palitan ang araw ng Kalayaan na ginugunita tuwing June 12.

Nais lamang aniya nilang mabigyang halaga rin ang makasaysayang kaganapan sa Bacoor Assembly.

Sa darating naman na August 1, 2023 ay ipagdiriwang ang ika-125 na anibersaryo ng Bacoor Assembly. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us