Insurgency free na ang syudad ng Bacolod.
Ito’y sa bisa ng joint resolution na nilagdaan ng Police Regional Office 6, 303rd Brigade Phil. Army, Philippine Coast Guard-Western Visayas sa isinagawang 2nd quarter meeting ng Regional Joint Peace and Security Coordinating Center.
Ang resolusyon ay nilagdaan nina PRO6 Officer in Charge P/Brigadier General Archival Macala, 303rd Commander Brigadier General Orlando Edralin at PCG Western Visayas Commander Commodore Arnaldo Lim.
Ayon kay Macala, ang deklarasyon ay indikasyon na na-neutralize na ng mga awtoridad ang operasyon ng NPA sa Bacolod City.
Sa nakalipas na taon, walang naitalang insurgency related incident sa Bacolod batay sa reports ng mga pulis at militar.
Sa pagdeklara sa Bacolod City na insurgency free, positibo ang lokal na pamahalaan ng Bacolod na mas lalakas ang turismo at vision ng syudad na maging isang super city.
Bukod sa deklarasyon, napag-usapan rin sa pagpupulong ang mga paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataang Elections. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo