Bagyong Betty, lalo pang humina — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humina ang Bagyong Betty habang kumikilos sa karagatan ng Batanes.

Sa 5 am weather bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 320 km silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120kph malapit sa gitna at pagbugsong 150kph.

Sa ngayon, tanging ang Batanes nalang ang nasa ilalim ng Signal no. 2

Nananatili naman sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at eastern portions ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig), eastern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era), Apayao, northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal), at northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)

Nananatili naman ang gale warning sa seaboards ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas na sa PAR ang Bagyong Betty bukas ng gabi o Biyernes ng umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: PAGASA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us